Takot

 

“Mga lugar na aking kinatatakutan”

 

Ang takot nariyan lamang sa ating mga puso, hindi nating matatanggal iyon. Naaalala ko noon, takot na takot talaga akong pumasok sa sementeryo, hindi ko gusto ang pakiramdam na para bang kahit anong oras ay may hihila sa akin pababa o papasok sa nitso. Tumataas ang balahibo ko dahil pakiramdam ko’y laging may nakatingin sa akin, sumusunod sa bawat kilos na aking gawin. Natatandaan ko rin noon sa tuwing mapasok ako sa sementeryo, nagkakaroon ako ng masasamang panaginip kinagabihan at nangyari pang linagnat ako ng pagkataas. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang epekto sa akin sa tuwing makakapasok ako sa isang sementeryo marahil dahil sa hindi pa ako handang lumisan dito sa ating mundo o ‘di kaya’y hindi pa ako handang mamaalam sa kahit sinong malapit sa aking puso.

Lumipas ang panahon at nawala na ang takot kong pumasok sa sementeryo napalitan ito ng takot kong mapag-isa sa isang madilim na silid. Halos hindi ako makahinga noong minsang nagising ako at mag-isa na lamang sa silid-tulugan. Ang paligid ko ay nababalot ng kadiliman, wala akong makita, sa pakiramdam ko’y  napakasikip ng mundong aking ginagalawan. Ganoon pala ang pakiramdam ng mag-isa at wala mahingan ng tulong parang kang estatwa na hindi makakilos.

Magpasahanggang ngayon hindi pa rin ako komportableng mapag-isa sa isang madilim na silid pero kahit paano’y nabawasan ang takot naaking naradarama sa pagdaan ng panahon.

 

Leave a Comment