Mga “ita” ng Roxas
Sa buhay ng tao mahirap man o mayaman hindi nawawala ang reaklamo, kesyo
ang hirap ng buhay, mahal ang bilihin, halos walang makain, hindi na nakakabili ng panangailangan, kahit mayoon wla parin, hindi tayo nakokotento sa kung anong mayroon tayo. Ang hindi natin alam mayroon mga nilalang dito sa mundong ibabaw na mas mahiap pa ang dinadanas kesya sa atin. Mga nilalang na iniiwasan ng karamihan, kinakawawa at inaalippusta. Makikita ito kahit saang lugar. Hindi laila sa ating mga Pilipino ng mayroon pa ing natitirang mga “Ita” na naninirahan dati sa mga kabundukan at ngayon ay nakikita na lamang natin sa lansangan.
Hindi naiiba ang Roxas City, sa araw na pagpasok natin sa paaralan nakikita natin silang namamalimos, maging sa mga simbahan, palengke at iba pang matataong lugar. Marami sila at ang babata pa, siguro’y nasa edad na apat hanggang sampu, may mga pagkakataon ding kasama nila ang kanilang mga ina na may kalong na sanggol at karaniwa’y nakabalot sa maruming lampin o ‘di kaya’y ang kanilang mga lolo’t lola. Ang mga batang ito’y laging gusgusin, madudumi ang mga damit, minsan nga’y halos wala ng saplot at lagging sipunin.
Nagtataka marahil tayo kung paanu sila nakakaraos sa pang araw-araw na walang bahay at sa kalye lang natutulog, walang makain dahil nakadepende lang sa dami ng ininilimos sa kanilang ang pambili ng pagkain. Sa palagay ko ay dahil nasanay na sila sa ganitong buhay, kakain kung may pambili at magugutom kung walang manglilimos at maghihintay na lamang na kunin na Maykapal. Hanggang kalian kaya nila matitiis ito?
Ang hindi ko maintindihan ay bakit walang ginagawang aksyon ang mga taong dapat sana’y tumulong sa kanila. Ang mga taong nabigyan ng kapangyarihan upang tumulong at kahit papano’y makaahon sa kanila. Ganoon na ba kaliit ang mga nilalang na ito para hindi natin makita? Nabigyan tayo ng magandang buhay bakit hindi tayo magbahagi ng kaunting biyaya?